Apoy na nawawala
Ngayon na namatay na ang baga
ni usok walang makita
nagmumuni-muni hanggang umaga
ngunit tanging abo ang nasa gunita
Maglalakad,
tatakbo,
biglang hinto
hanggang kailan ako ganito?
Patuloy na mangangapa sa kawalan
hindi man alam hanggang saan
o kung may iba pa bang daan
tila walang patutunguhan
Hahanapin uli
magtatanong
tapos mapapagod
asan ang lugod?
ni usok walang makita
nagmumuni-muni hanggang umaga
ngunit tanging abo ang nasa gunita
Maglalakad,
tatakbo,
biglang hinto
hanggang kailan ako ganito?
Patuloy na mangangapa sa kawalan
hindi man alam hanggang saan
o kung may iba pa bang daan
tila walang patutunguhan
Hahanapin uli
magtatanong
tapos mapapagod
asan ang lugod?
0 Comments:
Post a Comment
<< Home